Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mary Joy Apostol, umaarangkada ang showbiz career!

NAGSIMULA si Mary Joy Apostol sa mga short at indie films. Mula rito, dumating ang biggest break niya via Birdshot ni Direk Mikhail Red na tinampukan nila nina John Arcilla, Arnold Reyes, at Ku Aquino. Aminado si Mary Joy na wala sa hinagap niya na ito ang magpapabago sa kanyang showbiz career. Bukod kasi sa nanalo siya ng award at bida na rito, ang Birdshot din ang naging official entry ng Filipinas sa Foreign Film Category ng 2018 Oscars. Ito rin ang kauna-unahang Filipino film ng Netflix na naging available para mapanood worldwide early this year. 

Bilang indie actress, humataw na siya sa gulang na trese. Unang ginawa ni Mary Joy ang short film na Unawa ni Direk Pamela Reyes, mula rito ay sumabak na siya sa paggawa ng iba’t ibang klase ng proyekto hanggang dumating ang Birdshot. 

“Hindi ko ine-expect na ganoon kalaki ‘yung movie. Kasi mas sanay po ako sa short films and akala ko po ‘yung gagawa lang ako ng movie, hindi ko po naisip na mapapalabas siya sa ibang bansa. Na mananalo ng award ‘yung movie, pati po ako (dalawang Best Actress sa Facine sa US ka-tie si Nora Aunor at sa 1st ASEAN Film Awards sa Vietnam), na mapapalabas ito sa Netflix,” kuwento ni Mary Joy na graduating ngayong July ng BS Tourism sa Bulacan State University. 

Nagpasasalamat din siya sa co-stars at director sa Birdshot. “Sobrang thankful po ako sa kanilang lahat, kina Sir John, Sir Arnold, Sir Ku, sobrang gagaling po nila at ang babait. Kay Direk Mik, sobrang thankful po ako sa kanya na pinagkatiwalaan niya ako, sobrang galing po kasi ni Direk, siya ‘yung tahimik lang pero once na nagsalita siya, ‘yun na ‘yung gusto niya, malinaw ‘yung gusto niya. Thankful po ako sa trust niya, parang tatay ko na po siya, hahaha!” 

Sa ngayon, si Ronnie Henares ang manager ni Majoy (nickname ni Mary Joy). May mahalagang papel din si Majoy sa horror movie na Eerie na tinatampukan nina Charo Santos, Bea Alonzo, Jake Cuenca, Maxene Magalona, at iba pa, sa pamamahala pa rin ni Direk Mik. 

Nominado rin siya as Best Actress sa 2nd Eddy’s Award ng Society of Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa June 3 at nabanggit niya na parang heaven ang pakiramdam sa nomination tulad nang nanalo siyang Best Actress kasama ni Guy. 

  ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …