Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dedikasyon ni Vice Ganda sa industriya, sobra-sobra

TUWANG-TUWA ang Team Vice sa karangalang iginawad ng FAMAS kay Vice Ganda, ang Dolphy Lifetime Achievement Award. 

Tiyak na magsisilbi pa itong inspirasyon para lalong ipagpatuloy ni Vice ang pagbibigay-kaligayahan sa lahat ng Filipino saan mang dako ng mundo. 

Marami ang natuwa sa natanggap ni Vice na parangal na mismong ang mga anak ni Mang Dolphy ang pumili sa magaling na komedyante. 

Rito pinatunayang ang pagbibigay ng Lifetime Achievement Award ay hindi nakabase sa tagal ng isang artista sa industriya kundi sa mga na-achieve o nai-contribute ng kanyang karera.  

Hindi naman maide-deny na bagamat ilang taon pa lamang si Vice sa showbiz, sobra-sobra sa isang “lifetime” ang kanyang nakamit na tagumpay na resulta ng kanyang dedikasyon at hard work. 

Kasi naman hindi ba, sa pelikula, patuloy na bini-break ni VG ang record na itinatakda niya sa bawat pelikulang kanyang pinagbibidahan. 

Sa telebisyon naman, tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa ratings ng It’s Showtime, GGV, at ang katatapos lamang na Pilipinas Got Talent. 

Ibang level kasi ng kasiyahan ang ibinibigay ng Unkaboggable star  sa mga Kapamilya niya sa North America at sa matagumpay niyang concert series sa US at Canada. 


SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …