Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rufa Mae at Ynez, aminadong mahirap na masarap ang maging ina

AMINADO kapwa sina Rufa Mae Quinto at Ynez Veneracion na mahirap na masarap maging ina. Kapwa rin nila sinabing kakaiba ang sayang naibi­bigay ng pagiging ina sa kanila.

Nakasalubong namin at ng ibang entertainment press si Rufa Mae noong Martes ng gabi sa ELJ building, karga-karga ang anak na si Athena Alexandria Magallanes at kinumusta siya ni Jerry Olea ukol sa pagiging ina bilang malapit na rin ang Mother’s Day (sa Linggo, Mayo 13).

Aniya, napakasarap maging ina. “Enjoy na enjoy ako. Ang sarap-sarap pala na hindi mo ma-explain.”

Kaya naman susundan pa niya si Athena sa susunod na taon dahil hindi naman siya nahirapan sa panganay niya dahil mabait at bibo ito.

Enjoy din sa pagiging ina si Ynez na nakausap namin noong Miyerkoles ng tanghali sa mediacon ng Ignite concert presscon ni Regine Tolentino na gaganapin sa May 26 sa SM Skydome.

Isa sa guests si Ynez at sinabing dapat abangan at panoorin ang Ignite cance concert dahil ipakikita nila roon ang women empowerment ganoon din ang mga napaka-seksi nilang costume.

Ukol naman sa pagiging ina, aminado itong mahirap na masarap pero marami ang nabago sa kanya simula nang maging ina siya.

Aniya, naging responsable siya sa buhay at mas inuuna ang anak kaysa sarili.

Very proud din siya sa anim na taong gulang niyang anak na matalino at magaling sa Ingles dahil sa Assumption iyon nag-aaral.

Kina Rufa Mae at Ynez, sumasaludo kami sa kanila gayundin sa mga iba pang nanay. Binabati rin namin ang lahat ng mga ina ng Happy Mother’s Day.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …