Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Riva Quenery, magpapasabog sa RiVlog Live!

UNANG sumikat si Riva Quenery sa kanyang Vlog bago ang pagiging Showtime Girltrends o endorser at performer. Kilalang vlogger si Riva kaya naman nabigyan siya ng YouTube’s Popular Silver Play Buttom award dahil sa kanyang mga vlog na may 100,000 subscribers.

At matapos ang isang taon, umabot na agad sa 340,000 followers sa YouTube ang kanyang RIvlog.

Dahil dito, nais pasalamatan ni Riva ang kanyang followers sa pamamagitan ng birthday concert, ang RIVLOG LIVE na gaganapin sa SM Skydome sa May 27.

Kasi para ito sa mga sumusuporta sa akin at kapag pinanood nila ang concert ko para na rin silang nanonood ng vlogs ko ng live,” ani Riva. “Sobrang kinakabahan ako kasi sanay ako na magpe-perform lang as guest, pero this time, event ko talaga ito. It’s all about me. Rito ko iso-showcase kung ano ang kaya kong ibigay sa mga tao,” giit ni Riva.

Ang proceeds ng kanyang concert ay ibibigay ni Riva sa mga bata ng Tahanang Mapagkalinga ni Madre Rita.

“Every birthday ko, I make sure na tumutulong ako sa mga street children. Parang naging advocacy ko na siya. Parang naisip ko rin na, what better way to celebrate it than to make my supporters happy and then ‘yung mga less fortunate na tao,” sambit ni Riva.

Ilan sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz ay espesyal guests ni Riva tulad nina Krissha Viaje at Sammie Rimando, Hashtags member Zeus Collins at ang FPJ’s Ang Probinsyano star na si Awra Briguela at Maris Racal.

“Pinaka-excited ako sa mga bagong genre na gagawin ko, kasi may mga gagawin ako sa concert na hindi ko talaga nagagawa before. Excited ako to explore new things para sa mga taong sumusuporta sa akin kasi matagal na nila itong hinihingi sakin,” ani Riva na gusto ring i-encourage ang ibang performers tulad niya na magpursige na matupad ang kanilang pangarap sa buhay.

Madalas na laman ng vlog ni Riva ang pagsasayaw dahil isa ito sa hilig niya. Ito rin ang naging daan para mapabilang siya sa Showtime GirlTrends.

Bukod dito, kabilagn din pala siya sa local hiphop dance group na Power Impact na kamakailan ay nanalo ng Third Place sa Team Division sa World of Dance Manila 2018 at nakatakdang mag-compete sa World of Dance na gaganapin sa Los Angeles, California.

Ang Rivlog Live ay produced ni  Hermie Carreon at ididirehe ni Marvin Caldito. Para tickets,  tawagan ang SM tickets sa 470-2222 o bisitahin ang www.smtickets.com.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …