ANG taunang FAMAS awards ay gaganapin ang 66th edition – Gabi ng Parangal sa June 10, sa The Theatre sa Solaire. Itinatag noong 1952, ang FAMAS ay itinuturing na isa sa pinakapopular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Filipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Filipinas na ipinalabas noong 2017 ay kailangang magkaroon man lang ng isang araw na commercial screening para maging kuwalipikado para sa mga parangal sa taong ito.
Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS Awards ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioners, academicians, at critics sa pamumuno ng award winning script at literary writer na si Ricky Lee. Ang Megavision Integrated Resources Inc., ang producer ng Famas Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga katanungan magpadala lamang ng email sa [email protected].
Ang FDCP ang official government partner ng 66th Famas Awards.
Narito ang ilan sa mga nominado: Best Picture-Ang Larawan, Birdshot, Respeto, Balangiga: Howling Wilderness, Love You to the Stars and Back, Paki, Nervous Translation, Tu Pug Imatuy (The Right to Kill), The Chanters, at Yield. Best Actor-Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles), Abra (Respeto), Dingdong Dantes (Seven Sundays), Joshua Garcia (Love You to the Stars and Back), Bembol Roco (What Home Feels Like), Allen Dizon (Bomba), Justine Samson (Balanggiga), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Noel Comia (Kiko Boksingero), at Timothy Castillo (Neomanila). Best Actress – Gloria Diaz (Si Apple at Si Chedeng), Joanna Ampil (Ang Larawan), Iza Calzado (Bliss), Agot Isidro (Changing Partners), Dexter Doria (Paki), Julia Barretto (Love You to the Stars and Back), Angeli Bayani (Bagahe), Nathalie Hart (Historiographika Errata), Maja Salvador (I’m Drunk, I love You), at Max Eigenmann (Kulay Lila Ang Gabi na Binudburan pa ng Mga Bituin). Best Director — Khavan dela Cruz -Balangiga, Mikhail Red – Birdshot, Top Nazareno -Kiko Boksingero, Antoinette Jadaone – Love You To the Stars and Back, Shireen Seño – Nervous Translation, Treb Monters-Respeto, Arnel Barbarona – Tu Pug Imatuy, at Victor Delotavo Tagaro/Toshihiko Uriu, Yield.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio