Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasal, grand comeback ni Bea sa pelikula

ITINUTURING na grand comeback ni Bea Alonzo ang pelikulang Kasal simula nang magbida sa How To Be Yours noong 2016. Ang pelikulang ito rin ang unang major project ni Bea matapos ang matagumpay na  primetime teleserye niyang A Love To Last.

Ang Kasal din ang pambungad na handog sa engrandeng selebrasyon ng  ABS-CBN-Films, Star Cinema para sa ika-25 anibersaryo sa industriya.

Bukod kay Bea, pinagbibidahan din ang Kasal nina Derek Ramsay at Paulo Avelino na idinirehe naman ni Ruel S. Bayani mula sa panulat ni Patrick Valencia.

Nakasentro ang Kasal kay Lia Marquez (Bea) na pakakasalan ang pinaka-eligible bachelor ng Cebu at kakandidato sa pagka-alkalde na si Philip Cordero (Paulo). Magsisimula ang problema nang magtrabaho para sa kanila ang dating kasintahan ni Lia na si Wado dela Costa (Derek) para sa isang proyekto na maaaring makatulong sa pagkapanalo ni Philip sa eleksiyon. Muling babalik ang pagtitinginan nina Lia at Wado at ito ang magiging sanhi ng pagdududa ni Lia sa kanyang nararamamdan kay Philip.

Ipalalabas ang Kasal sa Mayo 16.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …