Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karakter ni JLC sa HSH, tsugi na

HUMINTO na ang orasan para sa karakter ni John Lloyd Cruz bilang Romeo sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Time’s up, ‘ika nga.

Sa pinakahuli kasing palabas ay nagko-contemplate na ang karakter ni Julie (ginagampanan ni Toni Gonzaga) na makipaghiwalay na kay Romeo na pinalabas sa kuwento na nagtatrabaho bilang OFW.

Minsan nang kinlaro ng produksiyon ng HSH na nang bigla na lang mawala si JLC that should he decide na bumalik ay welcome pa rin ito. Tulad ng alam ng lahat, pinalitan muna si JLC pansamantala (or magiging permanent replacement na?) ni Piolo Pascual.

Pero mukhang indefinite ang inaasahang pagbabalik ni JLC, or bumalik pa kaya siya lalo ngayong nabalitang nagsilang na si Ellen Adarna ng kanilang firstborn? More than an actor, JLC—kung totoo man ang balita—should play daddy above all.

Kung nakuha nga niyang isakripisyo ang kanyang career (and that includes not just his TV work kundi damay pati commercial endorsements niya) alang-alang sa pag-ibig niya kay Ellen, ngayong ganap na siyang ama, ngayon pa ba naman siya gaganahang magtrabaho?

Sa isang banda—again if he already sires a child—dapat lang na magbalik-aktibo na ang aktor. Bukod sa kailangan niyang magsipag para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mag-iina, ang pagkakaroon ng anak ay kailangang magsilbing inspirasyon.

The HSH production’s decision though is no different from what is real. Sabi nga, no one is indispensable.

Nawala man bigla at walang kaabug-abog si JLC sa show, hindi naman ‘yon kinansela. Tuloy ang buhay, tuloy ang programa.

‘Yun nga lang, taliwas ang “no one is indispensable” adage sa kasabihang, “Hope springs eternal.” Sumuko na rin ang pag-asa ng HSH staff na isang araw ay bubulagain na lang sila ni Romeo sa kanyang pagbabalik-bansa.

Eh, kung sa Kuwait ba ang ginawa sa kuwentong destinasyon ni Romeo, ‘di sana’y noon pa siya nakabalik, ‘no!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …