NAGSIMULA na kahapon ang pagpapalabas ng mga pelikulang kahalok sa Cine Filipino Film Festival na nadagdagan ang mga sinehan sa tulong ng Film Development Council of the Philippines. Mapapanood ang mga pelikula hanggang Mayo 15.
Ang CineFilipino Filmfest ay mapapanood sa mga sinehan sa Gateway Cinema 4, Greenbelt 1 Cinema 1, Cinelokal Theaters-SM Fairview, SM North Edsa, SM Megamall, SM Manila, SM MOA, SM Southmall.
Gaganapin naman ang Awards Night sa Kia Theater sa Mayo 12.
Noong Martes, naganap ang Thanksgiving Night sa Novotel bilang hudyat ng pagbubukas ng CineFilipino FilmFest.
Iyon din ang unang pagkakataon na ang SuperShorts ng film festival ay inihayag ng CFFF Festival head, Madonna Tarrayo. Kasama ang Cignal President at CEO na si Jane Jimenez Basas, Cignal executives na sina Sienna Olaso, Gyido Zaballero, at CFF Head of Competition na si Joey Reyes, binigyan ng Plaque of Recognition ang lahat ng finalists ng festival na kasali sa feature length, short features, at supershorts para sa kanilang brilliance sa film artistry.
Ang mga pelikulang ito ay ang Delia and Sammy, Excuse Me Po, Gustop Kita with All My Hypothalamus, Hitboy, In Mata Tapang, Mga Mister ni Rosario, at The Eternity Between Seconds.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio