PATAY ang dalawa sa apat hinihinalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Juan, Gen. Trias City, Cavite, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat kay Police Regional Office IV-A director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na mga suspek.
Nauna rito, dakong 2:25 am, nagsasagawa ng surveillance sa lugar ang mga operatiba laban sa grupo ng termite gang, nang magpasya silang magpakarga ng gasolina sa Shell gasoline station.
Pagpasok sa Shell, nakita ng mga pulis na nakadapa sa sahig ang dalawang empleyado ng gasolinahan.
Agad hinabol ng mga operatiba ang mga suspek at nang abutan, imbes sumuko ay nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa ngunit nakatakas ang dalawa pa. (ALMAR DANGUILAN)