Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Usec ng PCOO nag-resign (P647.11 milyon hinahanap ng COA)

NAGBITIW si Noel Puyat bilang undersecretary for finance ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Nabatid sa source, hanggang 30 Mayo na lamang ang panunungkulan ni Puyat sa PCOO.

Si Puyat ay nagsilbi rin chairman ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC) na pinaglaanan ng pondong P647.11 milyon.

Anang source, napuna umano ng Commission on Audit (COA) ang inilunsad na information caravan ng CMASC sa iba’t ibang panig ng bansa bunsod nang pagiging chairman ng 50th ASEAN ang Filipinas noong nakalipas na taon.

Ayon umano sa COA, trabaho ng mga lokal na information officers ang maglako ng mga balita hinggil sa ASEAN at hindi kailangan ang pinagkagastusang caravan na ginawa ng CMASC.

Napag-alaman sa source, hinahanap din umano ng COA ang mga kaukulang dokumento, gaya ng memorandum of agreement upang mabigyang katuwiran ang malaking ginastos sa pagdaraos ng ilang aktibidad at pananatili ng mga opisyal at ilang kawani ng PCOO sa isang six-star hotel noong nakalipas na taon.

Si Puyat ang ikalawang opisyal ng PCOO na nag-resign sa loob ng nakalipas na tatlong linggo, nauna si assistant secretary for administration Kissinger Reyes.

Tikom ang bibig ng PCOO sa resignation nina Puyat at Reyes.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …