Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike Magat, naging lapitin ng chicks dahil sa Davis & G Blackseed

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ni Mike Magat. Bukod sa pagiging actor at director, ngayon ay endorser pa siya ng Davis & G Blackseed anti- aging. Ayon kay Direk Mike, bago niya tinanggap ang naturang produkto ay masusi muna niya itong sinubukan.

“Before ko po tinanggap ang pagiging endorser ng Davis & G Blackseed anti- aging, sinubukan ko muna ito ng halos isang taon at hindi po ako nagkamali. Kasama ko po siya sa aking tagumpay at nakakabata nga po talaga. This is my secret,” saad niya.
 
Naging mas lapitin ka ba ng chicks dahil sa Blackseed?
 
“Talagang naging mas lapitin, hahaha!” Nakatawang saad niya. “Pero hindi lang chicks, pati sa trabaho dahil mahalaga sa tulad kong nasa showbiz siyempre ang health at ang ating skin. And sa totoo lang, kapag ginagamit ko iyang Davis & G Blackseed, hinahawakan ko ang mukha ko, smooth talaga, nakakabata talaga ang produktong iyan.”
 
Sa ngayon, ginagawa ni Mike bilang aktor/director ang pelikulang Turista na sa iba’t ibang lugar ang shooting. Sa TV ay napapanood din si Mike sa Contessa ng GMA-7 bilang kanang-kamay ni Techie Agbayani at kakampi ng bida ritong si Glaiza de Castro. 
 
“After nito, pupunta na akong Japan para sa shooting ko ng Turista. Bale sa Japan, Hongkong, Taiwan… tapos by ano ay babalik ako ng US. Sa iba-ibang bansa kukunan kasi ang movie,” aniya pa.
 
Napakagastos ba ng pelikulang ito? “I think hindi naman eh. Itong pagpunta-punta ko sa abroad, halos wala naman akong ibang kasamang artist from the Philippines para dalhin sa abroad. Kumbaga ako lang talaga, tapos mayroon lang akong ilang crew na kasama ko lagi. Tapos ako na rin yung bida at direktor, kaya sinasabi kong medyo matipid. Ilalaban ko ito sa International Festival… kumbaga ang peg ko rito parang mala- James Bond nga, eh. Pero hindi ko iniisip na ano- kasi baka mamaya ang budget nito biglang, alam mo na, lumaki. So, sinasabi ko ngayon na matipid, pero hindi ko alam baka kapag naging maganda at umayos, maobliga akong gawing malaki rin ang budget nito para mas mapaganda ang pelikula.”
 
Ayon pa kay Mike, masaya siya sa takbo ng kanyang career at itinuturing niyang hardwork at pananalig sa Diyos ang sikreto ng mga tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
 
“Ganoon lang naman ang buhay, naniniwala ako na kapag minahal mo ang iyong trabaho at positibo ka kasama ang panalangin at pananampalataya sa Diyos, mararating mo ang mga mithiin mo sa buhay. Kaya nagpapasalamat ako sa Ama na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at pagpapala,” saad pa ni Mike.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …