Sunday , December 29 2024

Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP, mas pinabongga

NAGING matagumpay ang launching ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), kaya naman masaya ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Ms. Liza Diño. Binigyang diin niya ang mga pagsisikap na nakahanay sa PPP ay magbibigay-daan para sa tunay na paglaki ng mga pelikulang Pilipino at kunin ang pagkakataon mula local to international distribution.

“Ang PPP ay dumating sa tamang oras, lalo na ngayon na ipagdiriwang natin ang Isang Daang Taon ng Philippine Cinema. Naniniwala ang FDCP na higit pa sa sentenaryo na ito, ito na ang tamang oras para ipakita sa mundo ang pinakamagaganda nating mga pelikula sa pamamagitan ng pagsulong sa international distribution. Gusto nating ma-inspire ang ating mga filmmakers na maabot ang mga manonood sa malalayong lugar sa pamamagitan ng paggawa ng mga dekalidad na pelikula, well-developed, at ginawa na ang nasa isip ay ang local at global audience. Hinihikayat ng PPP na ito ang maging jump-off point nila, sabi ni Diño.

Para sa FDCP, ang positibong pagtanggap ng mga tao sa unang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ay ang simula ng isang tradisyon na hindi lamang tungkol sa pagdiriwang ng Philippine Cinema kundi ang aktibong pagsuporta sa paglago at pag-unlad nito.

Inilunsad noong Agosto 2017, ang PPP ay isang seven-day exclusive screening ng quality genre Filipino films sa lahat ng sinehan sa buong bansa kasabay ng Buwan ng Wika. Sa ikalawang taon nito, hinahangad ng FDCP na i-maximize ang oras upang makagawa ng series of events at forms of support para sa Filipino films, mula celebratory fiestas para sa publiko hanggang sa educational fora at conferences para naman sa mga film industry professionals. Ang Pista ay tatakbo mula Agosto 15-21, 2018. Tulad ng karaniwang nakasanayan sa industriya, ang kabuuang benta mula sa PPP ay ibabahagi sa pagitan lamang ng mga producer ng pelikula at mga sinehan.

Ang PPP ay in partnership sa lahat ng mga sinehan sa bansa at ito rin ang kick off ng pagbabalik ng Selection Committee Members, ang editor na si Manet Dayrit, ang cinemagrapher na si Lee Briones, at Direk Joey Reyes kasama ang dalawang bagong miyembro-ang acclaimed director na si Carlitos Siguion-Reyna at award-winning actress at producer na si Cherie Gil. Sa updated mechanics, hinihikayat ng PPP na sumali ang mga bagong pelikula na ginawa mula 2017 to 2018 para magkaroon ng Philippine Premiere sa Pista. Bukod dito, ang ikalawang taon ng Sine Kabataan Short Film Competition para sa mga batang filmmakers na 18-30 ay isasagawa sa ilalim ng FDCP kasama ang UNICEF. Bilang bagong feature ng kompetisyon, magkakaroon ng educational at mentorship component via Sine Kamp. Ang singer, actor, at youth advocate na si Ice Seguerra ay magsisilbing Sine Kabataan Ambassador ngayong taon.

Isa pang big event ng PPP ay ang Film Industry Conference (FIC) na gaganapin sa August 17-18, 2018, ito ay two-day conference na naghahandog ng local at international perspectives upang mas patatagin ang Filipino filmmaking.

Ang walong (8) mapipiling pelikula ay iaanunsiyo sa unang linggo ng July 2018.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *