Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe

Lovi, naligawan na ng bading

SA kuwento ng The One That Got Away ay isang tagong bading si Gab na ginampanan ni Renz Fernandez na naugnay kay Alex  na karakter ni Lovi Poe sa show; kaya natanong si Lovi kung sa tunay na buhay ba ay naligawan na siya ng bading.

“Parang wala naman. Nag-isip talaga,” ang tumatawang turo ni Lovi sa sarili niya.

“None that I know of.  Baka hindi ko lang alam? Joke, no wala naman, so far lahat naman sila ay very…”

Halimbawang may boyfriend siya at bigla itong umamin sa kanya na bading pala, ano ang gagawin ni Lovi?

“Hmmm… may magagawa ba tayo? Wala naman,” at muling tumawa si Lovi. ”Iyon na ‘yun, eh!”

Hihiwalayan ba niya o itutuloy niya ang relasyon?

“I mean how will I stay if he doesn’t like me, ‘di ba?”

Halimbawang boyfriend niya pero nakipagrelasyon lang sa kanya para gawin siyang front?

“Ah hindi na, I mean you can’t stay with someone like that. First of all, the trust is gone and the respect. More than anything, ako, when it comes to a relationships, love, yes of course it’s important but that fades, ha?

“Not love, but then being in love and the infatuation phase, that fades. But the respect, once that’s gone, the relationship’s over.” 

Ngayong taong ito ay malamang na walang summer escapade si Lovi.

“Kasi taping eh,” pagtukoy niya sa The One That Got Away na magtatapos sa kalagitnaan ng Mayo.

So hindi siya magbabakasyon?

“Hindi pa eh, until further notice,” at tumawa ang Kapuso actress.

Kapag may pagkakataon na at si Lovi ang masusunod, saan niya gustong magbakasyon ‘pag natapos na siya ng taping ng kanyang serye?

“Hmm, depends, eh. Baka Europe ulit. I dunno, every year ako nasa Europe.

“Maybe, if given the chance.”

May dalawang pelikulang gagawin si Lovi, isa ay para sa Regal Entertainment, Inc. kaya ihahanap niya ng bakanteng oras ang pagbabakasyon.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …