PASACAO, Camarines Sur – Nasunog ang isang bahagi ng Daruanak Island sa Camarines Sur dahil umano sa itinapong upos ng sigarilyo.
Naging kulay itim ang tuktok ng isla dahil sa naganap na grass fire nitong Martes ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, halos 500 square meters na bahagi ng isla ang naapektohan ng sunog.
Itinuturong sanhi ng insidente ang upos ng sigarilyo na itinapon sa Daruanak.
Inabot nang mahigit isang oras bago nagdeklara ng fire out ang BFP.
Ayon sa kanila, mabilis kumalat ang apoy dahil sa mga tuyong damo. Tumigil ang sunog nang biglang umulan.
Ikinadesmaya ng mga bumibisita sa lugar ang nangyari, habang ikinabahala ng lokal na pamahalaan ng Pasacao ang insidente.
Bunga umano ito ng kapabayaan at pagiging iresponsable ng ibang tu-rista.
Balak ngayon ng lokal na pamahalaan na ipagbawal na ang pagdadala ng alak, pagkain, at siga-rilyo sa isla. Magtatalaga na rin ng magbabantay rito.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pangyayari.
Atraksiyon sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur na itinuturing na summer capital ng lalawigan ang Daruanak Island.