SINAMPAHAN ng Department of Interior and Local Government nitong Huwebes ng kasong misconduct and dereliction of duty sa Office of the Ombudsman ang 10 barangay officials ng Aroroy, Masbate bunsod ng kabiguang magtatag ng anti-drug abuse councils.
Kinilala ni Interior Assistant Secretary Ricojudge Echiverri ang 10 kinasuhan na sina Luna Gracio ng Talabanan, Rodolfo Tolero ng Gumahang, Leo Cabarles ng Nabongsoran, Charles Guya ng Mariposa, Jerry Enolba ng Manamoc, Alson Bertudo ng San Isidro, Leonides Dones, Jr., ng Balawing, Emerson Fajel ng Bagauma, Caesar Castilo ng Lanang, at Lourdes Arguelles ng Bulalacao.
Sinabi ni Echiverri, ang kabiguang magta-tag ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils ay paglabag sa ilang memo-randa na inisyu ng DILG gayondin ng Dangerous Drugs Board hinggil sa pagbubuo ng nasabing konseho.
Nitong Lunes, nagsampa si Echiverry ng katulad na kaso laban sa limang barangay captains ng Maynila.