Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FAMAS Awards Gabi ng Parangal sa Hunyo 10 na

GAGANAPIN na ang 66th FAMAS Awards Gabi ng Parangal sa Hunyo 10, Linggo sa The Theatre sa Solaire.

Itinatag noong 1952, ang FAMAS Awards ay handog ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at matagal nang itinuturing na isa sa mga pinaka-popular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Pilipinas na ipinalabas noong 2017 ay  kailangang nagkaroon man lang ng isang araw na commercial screening para maging kuwalipikado para sa mga parangal sa taong ito.

Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang: Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematography, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound at Special Effects.

Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal sa Documentary at short films. Ang publiko ay makalalahok din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor, at Actress.

Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS Awards ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioners, academicians, at critics sa pamumuno ng award winning script at literary writer na si Ricky Lee.

Ang mga nominado ay ihahayag bukas, Mayo 3. Ang Megavision Integrated Resources Inc. ang producer ng ika-66 Famas Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga katanungan magpadala lamang ng email sa  [email protected].

Ang FDCP ay ang official government partner ng 66th Famas Awards.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …