Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheryl, inihanda na ang bahay sa Gagalangin (sa pagpasok sa politika)

SA wakas, nagbigay ng pahayag si Sheryl Cruz para linawin ang maugong na balitang tatakbo siya bilang konsehala sa Maynila.

May mga kumakalat kasing litrato si Sheryl na dumadalo sa mga sari-saring aktibidades sa lungsod tulad ng mga medical mission.

“I’m not denying nor am I confirming, but the thing is… may bahay kami roon sa Gagalangin (sa Tondo), so ngayon ang sadya namin doon ng aking brother is ipinaaayos namin ‘yung aming family home.

“And there are nine homes sa loob ng compound and medyo ‘yung wear and tear ng aming ancestral house, roon medyo malaki na ang damage so we really need to have it fixed.

“So eversince na nandoon kami, alam mo hindi ko naman matanggihan ‘yung mga invitation na nanggagaling sa mga baranggay, may mga medical mission, ganyan.

“Actually ‘yung sa pagtakbo four years ago pa, not only doon sa Manila kundi pati sa Quezon City.”

Noon pa ay may mga humikayat na sa aktres na tumakbo, pero sa lungsod ng Quezon na may bahay rin si Sheryl, pero hindi siya tumakbo.

At ang sagot ngayon ni Sheryl kung papasukin na nga ba niya ang mundo ng politika?

“Pinag-aaralan ko pa, wala pang definite… but the thing is, kung iyan ang gusto sa akin ng Diyos, ‘di ba? Na magsilbi para sa mga tao, ‘di ba? At nasa edad naman ako, at may kapasidad ako na gawin iyon.

“Kahit paaano, nakapag-aral naman ako, nakapagtapos naman ako ng kolehiyo sa Amerika, Liberal Arts major, minor ko ay English, at Dean’s Lister naman ako so… huwag na nating sabihin ‘yun sa qualifications, masaya na tayo na may qualifications na, but the thing is para sa akin, kung talagang iyon ang gusto ng Diyos para sa akin, na landas para tahakin ay sino ba naman ako para tumanggi sa kanya.”

At kung sakali, hindi ngayong 2018 tatakbo si Sheryl; may local election kasi ngayong taon (sa May 14) at next year naman ay national election.

“Masyado kasing maaga pa para pag-usapan ‘yan but the thing is I’m still testing the waters at this time.”

Kung ang posibilidad ang titingnan, fifty-fifty pa naman kung tatakbo nga siya o hindi bilang konsehala next year.

Sa ngayon ay nagko-concentrate si Sheryl sa first love niya, ang showbiz.

Gaganap si Sheryl bilang si Adele Raymundo na ina ng bidang si Celina Raymundo (played by Julie Ann SanJose) sa My Guitar Princess na mapapanood na sa May 7 bago ang Eat Bulaga!

Nasa My Guitar Princess din ang mga male lead stars na sina Kiko Estrada (bilang si Justin Garcia), at Gil Cuerva bilang si Elton Smith.

Kasama rin sa upcoming GMA show (directed by Nick Olanka) sina Isabelle de Leon (bilang Taylor Garcia),Marika Sasaki (bilang Britney), Jazz Ocampo (bilang Katy Garcia), at Maey Bautista (bilang Yaya Dolly).

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …