Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol nabigti sa duyan na nylon

BINAWIAN ng buhay ang isang taon gulang na sanggol nang mabigti sa duyan na yari sa nylon sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat, iniwan ni Rosalinda Abreu ang bunsong si Rovilyn sa kanilang bahay sa Baseco compound sa Tondo upang maghanap ng mahihiraman ng pambili nila ng pagkain.

Ibinilin umano ni Abreu ang sanggol sa da-lawa pa niyang batang anak.

Ngunit pagbalik niya, naabutan niyang naka-bitin na sa duyan ang biktima at nasakal ng nylon.

Dahil sa pagkabigla at kawalan ng pera, hindi agad naisugod sa ospital ang sanggol.

Nang madala sa pagamutan ay idineklarang  wala nang buhay ang sanggol.

Ayon sa pulisya, maaaring bumalikwas ang sanggol at lumusot ang ulo sa awang ng duyan kaya nasakal ang biktima.

Nakaburol ngayon ang labi ng biktima at hindi pa masabi ng pamilya kung kailan maililibing ang bata dahil sa kakapusang pi­nansiyal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …