Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Pangangaliwa ni Aktor, muntik mahuli ni misis

SA sobrang tinik ng radar ng isang aktres ay natunton niya ang kinaroroonan ng kanyang dyowang aktor na may kasamang ibang aktres na natsitsismis na karelasyon niya.

Nasundan lang naman ng esmi ang kanyang palikerong dyowa sa isang hotel sa Tagaytay City ayon na rin sa tip sa kanya ng isang nagmamalasakit na kaibigan.

Kaso, nang humahangos na dumating daw ang misis sa hotel ay agad itinimbre ng male desk officer sa dyowa nitong aktor ang pagdating nito.

Sey ng aming source, “Naku, alisto rin pala ‘yung hotel staff. Tawag siya agad sa room ng aktor para sabihing paakyat na sa kuwarto niya ang imbiyerna niyang dyowa! I’m sure, may ‘lagay’ ‘yung aktor doon sa aligagang staff!”

Dahil naitimbre na sa aktor ang paparating na misis ay dali-dali niyang pinagbihis ang syobit niya, “At knows mo ba kung paanong nakaeskapo ang hitad? ‘Day, sa fire exit siya ng hotel dumaan! Kaya nang buksan ng aktor ang pinto ng room niya, wa siyang nahuling ebidensiya!”

Da who ang tatlong pangunahing tauhan sa kuwentong itey? Isyogo na lang natin sila sa alyas na Bonito, Leila at Geraldine.

(Ronnie Carrasco III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …