TATLONG dekada na nang ipalabas ng Viva Films ang Bagets (1984) na nagmarka. Gayunman, ang mga tema tulad ng pagiging adventurous ng mga kabataan, ang kagustuhang manatiling totoo sa sarili, at magkaroon ng sense of belongingness, ang hindi bumigay sa harap ng mga pagsubok sa pag-aaral, relasyon, at pamilya, at ang katuwaang maranasan ang mga ito kasama ng mga tunay na kaibigan – lahat ng temang nabanggit ay makabubuo ng isang makatuturang pelikula.
Kaya naman handog ng Viva Films ngayong summer ang pelikulang Squad Goals mula sa multi-awarded filmmaker na si Mark Meily.
Ito ay pinagbibidahan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Dan Huschka, at Jack Reid bilang mga college student na naging magkakaibigan sa gitna ng mga kaguluhan na puwedeng magpatalsik sa kanila sa paaralan.
Si Julian si Benj, Engineering student at may alyas na “Young D” bilang dance guru. Si Vitto si Tom, HRM student at varsity team captain at three-time MVP.
Ang Filipino-German na si Dan ay si Hans, isang mahiyaing music genius na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkuha ng gigs bilang DJ. Si Andrew ay si Nat, ang class clown at best friend ni Tom.
Si Jack ay si Pads, isang Mass Comm student na nagtatrabaho bilang part-time bartender, kaya antukin sa klase.
Dagdag excitement sa pelikula ang pagganap ni Ella Cruz, kasama sina Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong, at Victoria Pilapil.
Palabas na ang Squad Goals sa mga sinehan sa May 9.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio