DUMAGUETE CITY, Negros Oriental – Kritikal ang kondisyon ng isang radio broadcaster sa lungsod na ito makaran pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen nitong Lunes.
Ang biktimang si Edmund Sestoso, hosts ng daily blocktime “Tug-a-nan” sa dyGB 91.7 FM, ay lulan ng tricycle nang pagbabarilin sa Brgy. Daro dakong 10:00 ng umaga. Ang biktima ay tinamaan ng bala sa dibdib, braso at hita.
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), pinagbabaril din ng mga suspek ang gulong ng pedicab na nagtangkang isugod ang biktima sa Si-liman University Medical Center.
“Good Samaritans had to wait for another vehicle to take the wounded radioman to a health facility, where he was expected to undergo emergency surgery,” pahayag ng NUJP.
Kinondena ng Duma-guete City Press Freedom Club ang insidente, sina-bing ang pag-atake ay maaaring may kinalaman sa komentaryo sa radyo ng biktima.
Si Sestoso ay dating Dumaguete City chapter chairman ng NUJP.