MALAY, Aklan – Daan-daang pamilya na halos dalawang dekada nang nakatira sa Boracay wetland, ang pinaaalis dahil sa ipinatutupad na rehabilitasyon ng gobyerno sa isla.
Ang Cagban Bubon, na kinatitirikahan ng bahay ng daan-daang pamilya, ay tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang wetland, na mahalaga sa pagpigil sa pagbaha.
Ang mga residente sa nasabing wetland ay bi-nigyan ng abiso para bakantehin ang lugar. Mayroon na lamang silang i-lang araw bago sila pu-wersahing paalisin sa kanilang bahay.
Sa ngayon, umaapela sila sa gobyerno na pagkalooban sila ng resettlement area na kung maaari ay sa Caticlan upang maipagpatuloy ang kanilang pinagkakakitaan. Anila, wala silang ibang lugar na maaaring patunguhan.
Sinabi ng mga residente, wala silang sapat na kaalaman hinggil sa wetland at sa layunin nito, at inihayag ng kanilang mga ninuno na maaari silang magtirik ng kanilang bahay sa Cagban Bubon.
Ayon sa DENR, ang Boracay ay may 16 forest lands at siyam wetlands, ngunit karamihan sa mga eryang ito ay inokupahan ng business establishments o illegal settlers.
Samantala, patuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggiba sa mga establisiyemento sa main road ng Boracay. Ang mga puno at iba pang sagabal ay inalis para sa road widening project.
Ang 6-month closure ng Boracay ay nagsimula noong 26 Abril para big-yang-daan ang rehabilitasyon ng isla.