WALANG malisya kung paborito ni Migo Adecer si Rhian Ramos.
Magkapatid ang turingan nila, magkapatid din ang role nila sa The One That Got Away.
Kahit sa tunay na buhay at hindi lang sa kuwento ng GMA primetime series sila close kundi maging sa totoong buhay.
“Not only in taping, we have this kind of connection as brother and sister at super-dynamic po kami, we’re very organic, it’s not fake,” umpisang pahayag ni Migo.
“But then also out of work, we talk about music, and she was actually sweet enough to bring back some insects kasi hindi pa ako nag-try, sa Thailand.
“She was able to give me some.”
Nag-request si Migo ng pasalubong na mga Thai exotic delicacies na insekto kay Rhian sa recent trip sa Thailand ng Kapuso actress.
“Grasshoppers, silkworms. Well, the silkworm taste like parang isaw para sa akin. ‘Yung grasshopper, super-crunchy po siya.”
Tinanggihan si Migo nang ialok niya ang mga exotic food sa mga tao sa set ng taping nila ng TOTGA, tulad ng direktor nilang si Mark Sicat dela Cruz.
“Pero si Ivan Dorschner nag-try, si Jason Abalos nag-try, si Rhian nag-try.”
Younger brother ang tingin sa kanya ni Rhian, ayon pa rin kay Migo.
“She’s very light and bubbly, very easy-to-work with, she has a great personality, madali siyang makasundo, she keeps a conversation alive,” paglalarawan pa ni Migo sa pagkatao ni Rhian.
Pangatlong GMA series na ni Migo ang TOTGA; nauna na rito ang Encantadia na sinundan ng My Love From The Star. At in terms of exposure ay ang TOTGA ang pinakamalaking break sa acting.
Ang manager ni Migo ay ang Pop Diva na si Ms. Kuh Ledesma.
Rated R
ni Rommel Gonzales