NAKATUTUWANG may kasunod na agad na proyekto ang mabait na binata ni Sylvia Sanchez, si Arjo Atayde. Ito ay ang The General’s Daughter na handog ng Dreamscape Entertainment TV para sa ABS-CBN na pagbibidahan ng mga dekalibreng aktres na sina Maricel Soriano, Angel Locsin, Janice de Belen, Ryza Cenon, at Eula Valdes.
Katatapos lang noong Biyernes ng Hanggang Saan na pinagsamahan nina Arjo at Sylvia at sinabi ng actor na magpapahinga muna siya para paghandaan ang isang malaking kasunod na proyekto, ang The General’s Daughter.
Very blessed si Arjo sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network, idagdag pa rito ang bagong endorsement niya mula sa BeauteDerm, ang Origin Series Perfume (Apha, Radix, at Dawn) na isang bonggang launching ang isinagawa ng may-ari nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan noong Sabado sa Relish Restaurant.
Bale kasama na si Arjo sa palaki ng palaking pamilya ng Beautederm na nagsimula lang noong 2009 sa paggawa ng whitening soap, bleaching products, at facial care kits.
Bukod sa dumaraming endorser at produkto, marami na rin ang partner distributors nila hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ilang bahagi ng Asia, Europe, Middle East, at North America. Malapit na ring buksan ang first international outlet nila sa Lucky Plaza sa Singapore.
Ayon kay Ms Tan, si Arjo ang napili niyang maging brand ambassador ng kanyang mga pabango dahil sa magandang image nito at mass appeal kahit anak-mayaman.
“Our new line of perfume ay para sa aming male market, offering three different scents for stand-out styles and lifestyle choices of men. So, puwede silang mamili sa Radix, Dawn and Alpha scents kung ano ang type nilang amoy,” sambit ni Ms. Tan na kaya rin gumawa ng pabango ay para kukompleto sa magandang hitsurang dulot ng mga pampaganda niyang produkto.
Giit ni Ms. Reu, gawa sa mixed imported oils mula sa France ang Origin Series kaya long-lasting ang amoy. “At saka light lang ang scent niya, hindi ‘yung matapang na nakai-irritate sa ilong, non-sticky din siya and does not stain on fabrics.”
Malaki naman ang pasasalamat ni Arjo sa pgkakuha sa kanya ng Beautederm dahil mahilig pala siya sa pabango. Hilig niya ang mga citrusy perfume.
Sa kabilang banda, aminado ang aktor na excited na siyang mag-report sa taping ng The General’s Daughter. Handa na rin siyang gawin ang lahat ng ipagagawa sa kanya ng direktor. Ito’y para patunayang hindi nagkamali ng pagpili sa kanya ang Dreamscape.
Dagdag pa ni Arjo, handa rin siya na ma-experience ang mahalimaw na sampal ng Diamond Star na si Maricel.
“t’s an experience you know. I’m not scared to experience anything bad like that. She slaps hard, that’s her eh, what can I do? That’s her emotions as an actress and I respect her,” paliwanag ni Arjo.
Itinuturing din ni Arjo na itong bagong project niya ang pinaka-challenging na role na naibigay sa kanya ng ABS-CBN.
“It’s crazy. I told my Mom and Tita Maricel as well when we had dinner couple of days ago. Sabi ko, ‘Tita, I don’t know how I ‘am going do it.’ Sabi niya, ‘You just have to believe in yourself.’ And she’s just there to guide me,” lahad pa ni Arjo.
Bukod sa Beautederm, malaki rin ang pasasalamat ni Arjo sa Dreamscape dahil sa chance na ibinigay sa kanya para makatrabaho ang idol ng kanyang ina. Idol din kasi ni Sylvia si Maricel.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio