TINATAYANG 10,000 pulis ang nakatakdang ipakalat sa buong Metro Manila para bantayan ang isasagawang kilos-protesta ng mga militanteng grupo sa paggunita sa Labor Day ngayong araw, ayon kay National Capital Region Police Office chief Camilo Cascolan.
Sinabi ni Cascolan, karamihan sa mga pulis ay itatalaga sa rally areas, habang ang iba ay magsisilbing special response teams.
“More or less 10,000 personnel of NCRPO will be deployed in different districts and rally points,” ayon kay Casco-lan.
“Magkakaroon din po tayo ng tinatawag na special response teams that will be placed in strategic areas to respond to any kind of incident,” dagdag niya.
Ayon sa Metro Manila Police chief, ang mga pulis na itatalaga mula sa NCRPO Civil Disturbance Management (CDM), ay hindi magdadala ng baril kundi mga batuta lamang.
“‘Yung CDM hindi magdadala (ng firearms) ‘yan. The CDM will just be there on standby for any eventuality, kung sakaling maging magulo, na sana huwag naman ho,” ani Cascolan.
Tiniyak niya sa publiko na ang mga pulis na itatalaga sa rally areas ay magpapatupad ng maximum tolerance, ngunit hinikayat ang mga raliyista na isagawa ang kanilang mga aktibidad sa Labor Day sa mapayapang paraan.
“Ang reminder natin sa mga pulis ay maximum tolerance po tayo. Pangalawa, bigyan ng res-peto lahat ng raliyista. Parehas po, sana ang mga pulis ay mabigyan din ng respeto para wala tayong gulo,” pahayag ng NCRPO chief.
Inaasahan ang isasagawang kilos-protesta ng labor groups ngayong Martes, 1 Mayo, nang hindi pirmahan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang executive order na magwawakas sa kontraktuwalisasyon sa sistema ng paggawa sa bansa.
Sa Metro Manila, ina-asahang magtitipon-tipon ang mga raliyista sa Welcome Rotonda sa Quezon City, sa Plaza Moriones sa Tondo, at sa Chino Roces Bridge sa malapit sa Malacañan Palace sa Maynila.