BARIRA, Maguindanao – Makaraan ang isang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad ang mga ulo ng dalawang pinugutang magsasaka sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.
Sabado nang makita ang katawan ng mga biktimang sina Cesar Fermin at Jason Bistas sa isang coconut farm sa Brgy.Gumagadong Calawag sa katabing bayan ng Parang.
Nakita ang kanilang mga ulo na nakalapag sa lupa sa liblib na bahagi ng Brgy. Panggao, Barira, sa tulong ng mga barangay official, pulis at mga residente.
Iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo at suspek sa krimen.
Una nang sinabi ng mga kaanak na wala silang ideya kung bakit pinatay ang mga biktima na anila’y mabait at walang kaaway.