Saturday , November 23 2024
Photo by Angie de Silva/Rappler

‘Ninja’ removal sa comfort woman statue pinaiimbestigahan

INIHAYAG ng mga kinatawan mula sa Gabriela Women’s Party nitong Linggo, na maghahain sila ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang estilong “ninja” na pagbaklas sa rebulto ng comfort woman sa Roxas Boulevard.

Inihayag ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagkondena ng party-list sa pagbaklas ng rebulto, dahil ito ay tumutukoy sa “obliteration of Japan’s gross and systematic sexual abuse of Filipino women in the history.”

“We will file a House resolution to push a probe as to who are behind this cowardly act. We are not buying the excuse that the removal of the statue was done to give way to a drainage improvement project,” dagdag ni Brosas.

Binaklas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rebulto nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus, dapat din busisiin ang pananagutan ng Manila City officials at iba pang mga opisyal sa pagbaklas sa rebulto.

“Why was the removal done in the night, apparently with the permission of the local government? Was the National Historical Commission properly notified? Dapat may managot sa ganitong pagyurak sa alaala ng lahat ng kababaihang biktima ng sex slavery,” aniya.

Sinabi ni De Jesus, ang pag-alis sa rebulto ay tahasang insulto sa lahat ng kababaihang biktima ng pang-aabuso ng mga sundalong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, karamihan ay nananawagan pa rin ng hustisya hanggang sa kasalukuyan.

“Quite ironically, Japan boasts of its mega-infrastructure urban landscapes but scurries away upon the sight of any concrete reminder of its atrocities and abuse against women,” aniya.

Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis sa rebulto, sinabing maaari itong ilipat sa ibang lokasyon na hindi maiinsulto ang Japan.

Binatikos ni Brosas ang pahayag ni Duterte, sinabing hindi ang Filipinas ang dapat na mag-adjust.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *