ITANGGI man ni Kris Aquino o hindi ay may halong panunumbat ang ginawa niyang pagsuporta noon sa presidential bid ni dating DILG Secretary Mar Roxas bilang reaksiyon sa feature story ng maybahay nitong si Korina Sanchez.
Featured recently sa Rated K ni Korina si James Yap, dating asawa ni Kris, at ng pamilya nito. Minasama ‘yon ni Kris, at ang napagdiskitahan niya ay mismong si Korina who she addressed as “asawa ni Mar.”
Matalino si Kris para hindi niya kayang ihiwalay ang trabaho ng isang broadcast journalist ni Korina sa mga personal na bagay na siya (Kris) mismo ang sangkot.
Granting na kawalan ng respeto ang ginawa ni Korina (na naaayon naman sa kanyang tungkulin), ano naman ang kinalaman doon ni Mar?
For Kris to say na sising-sisi siya sa pagsuporta kay Mar noon ay walang iniwan sa isyung nire-raise niya ngayon laban kay James? Kailan pa ba ang mga hanash niya kay James, at kailan pa ang nakaraang eleksiyon?
Yaman din lamang pala na hindi si Mar ang kandidatong nasa puso ni Kris (at napilitan lang dahil sa pakiusap ng kanyang Kuya Noynoy), bakit noong kampanya’y OA kung ihingi niya ito ng suporta mula sa mga botante?
Napilitan nga lang ba si Kris noon, o dahil hindi si Mar ang pinalad manalo kundi si Pangulong Digong Duterte na todo-pinupuri niya ngayon?
Sablay para sa amin ang pang-aaway ni Kris kay Korina na rati pa mandin niyang nakatrabaho in a morning show on ABS-CBN.
Dapat aware si Kris na bilang isang mamamahayag ay malawak ang saklaw ng trabaho nito lalo’t both issue- at personality-oriented ang tema ng programa ni Korina. Just because si James at ang masayang pamilya nito ang inilabas ni Korina, ibig sabihin na noon ay binastos ng magazine show host si Kris?
Alam ni Korina na dapat lang niyang tanawin kay Kris ng malaking utang na loob ang ginawang pag-endoso nito noon sa kandidatura ni Mar.
But in the discharge of her duties ay ‘yun ang napala ni Korina. Nadamay pa ang ‘di nito pagkakaroon ng kakayahang magkaanak para hindi maunawaan ang nararamdaman ni Kris na pinoproteksiyonan lang at ipinaglalaban ang karapatan ng kanyang (mga) anak.
We beg to disagree sa line of reasoning ni Kris na porke’t hindi biniyayaan ng anak si Korina kay Mar ay wala itong empathy o compassion. Mas lamang nga lang ang isang magulang pagdating sa kanyang mga karanasan in child rearing o parenting, pero hindi ibig sabihin na ang isang childless individual ay kapos sa pang-unawa sa mga inang tulad ni Kris.
At sa totoo lang, may himig ng kayabangan ang posture these days ni Kris na mukhang dulot ng kanyang pagbabalik sa pelikula. Tengang-kawali kasi si Kris sa mga makabuluhan namang komento ng mga netizens.
Eh, ‘di wow…nag-iisa ka lang talaga, Kris Aquino!