Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, walang oras sa love  

ISANG hit cable mini-series lamang noon ang Single/Single nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli na umere noong 2016. Isang seryeng mayroong 13 episodes na nagpapakita ng pamumuhay ng mga millennial tulad ng mga bagay na mahalaga sa kanila at mga isyung kinakaharap.

Dahil sa tagumpay nito, itutuloy ang paglalahad ng istorya nito sa pamamagitan na ng mainstream theatrical release na ipakikita pa rin ang pag-iibigan nina Joee at Joey na may titulong Single/Single: Love Is Not Enough na mapapanood na sa Mayo 2.

Ito’y ididirehe nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa sa panulat nina Lilit Reyes at Jinky Laurel. Ito’y joint production ng Cinema One at ng Philippine Star TV.

Ipakikita sa Single/Single: Love Is Not Enough ang buhay mag-asawa nina Joee at Joey. Sisirain ba sila ng indifference? Paghihiwalayin ba sila ng gnma pagsubok?

Hindi naman inaasahan ni Shaina na magiging pelikula ang Single/Single. “I am grateful na from the first season, nasundan ng second season na hindi rin po namin expected.

“Four years after, we have a movie. Never in my wildest dreams na naisip kong magkaka-movie kami,” sambit ng dalaga.

Samantala, tila hindi muna hinaharap ni Shaina ang ukol sa kanyang buhay pag-ibig dahil abala siya sa kanyang career.

Aniya, “Marami pang pinagagawa sa akin na projects. Ayaw pa akong pagpahingahin.

“Don’t get me wrong, I’m very grateful sa mga trabaho na dumarating sa akin.

“In perfect time, mangyayari po iyon. Kung kailan, hindi ko alam,” paliwanag ni Shaina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …