Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, gustong ‘ampunin’ ni Kris

HINDI mapasusubaliang napaka-sweet na bata ng bunsong anak ni Kris Aquino, si Bimby. Sobrang mahal din nito ang kanyang ina kaya naman naa-appreciate niya ang sinumang nag-aalaga at nagmamahal sa kanyang ina.

Sa Instagram post kagabi ni Kris, ipinakita nito ang napakaraming chocolates at card na ibibigay ng kanyang bunso. Ang regalong iyon ayon kay Bimby ay bilang pasasalamat na inalagaan nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanyang Mama.

Nakatutuwa rin ang isinulat ni Bimby sa kalakip na card ng mga chocolate.

Samantala, ibinahagi rin ni Kris ang pag-uusap nila ni Joshua at doon niya nalamang lumaki ang binata ng wala sa tabi ang ina. Roo’y naapektuhan siya. Kaya naman nasabi niyang gusto niyang i-adopt ang binata at nagpasalamat na mayroong uncle na priest, mapagmahal na lola, at masipag na tatay ang batang actor.

Narito ang kabuuang post ni Kris sa kanyang IG. “Patulog na lang po ako, but i had to check what my bunso wrote in his cards for “ate” @juliabarretto & “kuya” @garciajoshuae… i told Bimb sa kwentuhan namin ni joshua- i really felt sympathy for him because he grew up w/ no mom… He asked me this afternoon what he could send #joshlia to say THANK YOU to them for taking care of his mama because he wasn’t around. I said mukhang mahilig yung 2 sa chocolates & parang walang conflict sa endorsements. Swipe ️ if you want to read Bimb’s note to Joshua (na pinagod ako sa kakatapal ng stickers para ma censor, Julia’s note kung i-si-sticker ko baka 2 AM na ko matapos …) True naman, i told my 2 boys that i do want to “adopt” @garciajoshuae kasi na affect talaga ko sa na share nya about growing up na walang mom… marunong si God, he had a good uncle na priest, a loving lola, and a hardworking dad. Okay this mama can sleep na. Good night. ♥️♥️♥️

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …