Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric, ‘di big deal ang pagsuporta kina Bianca at Miguel

WALANG kaso kay Jeric Gonzales kahit naging support lamang siya kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kahit na nga ba nagbibida na siya sa mga nakaraang serye ng GMA.

“Oo naman, oo naman! Walang problema kasi ano eh, dumadaan naman talaga sa artista na ano, ke support, ke bida or kahit anong role ‘yan, basta binigyan ka ng role kailangan talaga gawin mo and ibigay mo ‘yung best mo.”

Endorser ng Boardwalk si Jeric at kung sakaling may fashion show na kakailanganin siyang rumampa ng naka-underwear ay payag siya.

“Oo naman. Kaya ko pero may limitation siguro.

“Mas gusto ko ‘yung ginawa ni Ruru, ni Derrick, na iyon lang, topless.”

Nakahubad ng pang-itaas pero nakapantalon na rumampa sina Ruru Madrid at Derrick Monasterio sa isang fashion show kamakailan.

Hindi niya kayang magsuot ng thong habang rumarampa na tulad ng ginawa ni Rocco Nacino.

“Hindi siguro, hindi.”

Parehong walang karelasyon sina Jeric at Thea Tolentino, hindi kaya sa huli ay sila rin pala ang magiging magkasintahan?

“Well hindi natin masasabi, siyempre, mahirap magsalita ng tapos eh,” umpisang pahayag ni Jeric.

Sa kabila ng madalas na pagkaka-link nila ay hindi sila nagkaroon ng relasyon.

Nagkikita ba sila ni Thea lately?

“Nagkikita, nagte-text, ganoon.”

Lumalabas rin naman sila pero paminsan-minsan lang.

“Kasi busy, eh. So ganoon lang, kumustahan, and in touch naman kami.”

Mapapanood si Jeric sa Sabado sa episode ng Magpakailanman na Our Crazy Love kapareha si Pauline Mendoza.

Ang Magpakailanman ng GMA ay hosted ni Ms. Mel Tiangco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …