Saturday , November 16 2024
electricity meralco

Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative Inc. (Akelco) nitong Lunes na i-invoke ang “force majeure” upang hindi maipasa ang extra power charges sa consumers sa loob ng six-month closure ng Boracay islands simula ngayong linggo.

“Clearly, the complete closure of Boracay is an unforeseeable event completely beyond the control of AKELCO. This is definitely an instance when force majeure will apply,” pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate energy committee.

Ang pagsasara ng restaurants, resorts, at iba pang commercial establishments sa Boracay Island sa loob ng panahon ng closure order ay hindi lamang magreresulta sa pagkawala ng trabaho kundi magpapababa rin sa demand sa koryente sa Akelco’s franchise area.

Noong 20 Abril, inilabas ng National Electrification Administration ang artikulo sa kanilang website, nagsasabing ang electricity consumption sa Boracay ay inaasahang bababa ng 84 porsiyento at ng 38 porsiyento sa overall load profile ng electric cooperative kapag ipinatupad na ang temporary shutdown sa isla.

Sinabi rin, ang Akelco ay naghahanap ng mga paraan at ginagawa ang lahat upang mapababa ang epekto nang pagsasara ng resort sa utility power rates sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon sa umiiral na bilateral contracts sa Independent Power Producers (IPPs).

Sinabi ni Gatchalian, hindi makatuwiran na maging pabigat pa ito sa Visayan power consumers, na kasalukuyan nang nagdurusa sa high power rates kapag summer.

Aniya, upang mapigilan ang pagpapataw ng pass-on charges, ang Akelco ay dapat i-invoke ang force majeure provisions ng kanilang power supply agreements sa generation companies upang pansamantalang masuspende ang pagkuha ng hindi kailangang koryente habang nakasara ang Boracay.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *