HINDI itinanggi ni Paolo Ballesteros na napi-pressure siya sa My 2 Mommies, ang bagong handog niyang pelikula mula Regal Entertainment na idinirehe ni Eric Quizon at mapapanood na sa May 9.
Ani Paolo, napi-pressure siya para gumawa ng magagandang pelikula. Iyon ay dahil sa mga acting award na nakuha niya sa Die Beautiful here and abroad.
“Hanggang ngayon, two years ago, tumutuka pa sa mga award giving bodies ang ‘Die Beautiful.’ Iba rin kasi ‘yung naging impact ng ‘Die Beautiful.’ I guess ‘pag may ganoong klaseng story ng pelikula, tatatak talaga siya.”
Kaya naman, tinitiyak ni Paolo na sa mga gagawin at susunod niyang pelikula, ibinibigay niya ang the best tulad nitong sa My 2 Mommies.
“Lahat ng ginagawa ko gusto ko ‘yung tsina-challenge ko ‘yung sarili ko, so I make sure na 100 percent ‘yung ibinibigay ko.”
Samantala, sinabi ni Paolo na “timely” ang My 2 Mommies dahil tinatalakay din ito at nangyayari sa totoong buhay.
“Ang gusto naming ipakita is a different kind of mother. Kasi ang alam natin ‘pag Mother’s Day, the usual na nasa card na puro mama.
“Tama naman ang nasa movie, hindi lang naman babae ang nanay, ‘di ba?”
Ang tinutukoy ni Paolo ay hindi lamang iyong mga biological mother ang puwedeng maging ina. Puwede rin iyong ginagampanan ang pagiging ina kahit hindi galing sa kanila ang bata o ‘yung nagpapaka-ina.
“Mayroong ibang klaseng nanay, ‘yung iba nawala ‘yung nanay at ang naging nanay, ‘yung kapatid, so it’s a different kind of mother,” esplika pa ni Paolo.
Si Eric Quizon,ang nagdirehe ng pelikula at kasama rin dito si Maricel Soriano.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio