Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike Magat, lumalagari bilang actor-director

MASAYA si Mike Magat sa muling paghataw ng kanyang showbiz career. Mula sa pagiging artista, nalilinya siya ngayon sa pagdidirehe ng pelikula. Nagsimula ito habang naghihintay siya noon ng project at sinubukan niyang gumawa ng short film. Mula rito ay nagtuloy-tuloy na ang pagiging movie director.

“Hindi ko inaasahan na mapapansin ang sample na ginawa ko. Noong una, parang wala lang akong magawa kaya nag-try ako mag-video or gumawa ng short film habang naghihintay ako ng mga labas ko sa TV. Hayun at sinubukan ko lang magdirehe ng isang film noong 2015, iyong ‘Isang Hakbang’ na bida sina Snooky Serna at Miguel Antonio. Nabigyan ito ng award sa ‘Singkuwento International Film Festival.’

“After this, sumunod na ‘yung ‘Sikreto sa Dilim’ na ipinost ko lang sa Facebook at nagustuhan naman sa ibang bansa. So, roon nagsimula na ang pagiging director ko, inimbitahan na ako sa US para magkaron ng screening sa ‘Basilla Womens Foundation’ at hindi ko expected na mabigyan ako ng award, ‘yung Independent Achivement award sa International Film Festival Manhattan New York last October 18, 2017 at doon ay may nakilala ako na gustong mag-produce at ako ang director,” saad ni Mike.

Sa ngayon, ginagawa niya ang pelikulang Turista na sa iba-ibang lugar ang shooting tulad sa US, Taiwan, Hong Kong, Macao, Japan. Isang action-drama ito na parang James Bond ang peg na nagto-tour siya sa ibat-ibang lugar.

Aminado si Mike na hindi ganoon kadali ang adjustment na ginawa niya.

“Naku po, kung iisipin ko talaga ay parang napakahirap maging director, kompara po sa pagiging simpleng actor. Dahil halos lahat iintindihin mo, kapag director ka. Mula sa simula, hanggang sa mapanood na ng mga tao kung maganda ba ang vision mo at may naibahagi ka ba na kakaibang panlasa sa tao at nakapagbigay ka ba ng inspiration at aral.”

Sa TV ay napapanood din si Mike sa Contessa ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro, Geoff Eigenmann, Jak Roberto, at iba pa. Ang role niya rito ay si Berto na kanang kamay ni Techie Agbayani.

Sobra ang pasasalamat si Mike sa Kapuso Network sa pagbibigay ng ganitong opportunity. “Thankful ako sa GMA 7, dahil may puso talaga sila sa mga artistang patuloy na nangangarap at nagsisikap sa buhay para sa pamilya. Lalo na sa katulad ko po na gustong ipagpatuloy ang hirap ng mga naranasan ko mula nang ako’y nagsimulang pumasok sa showbiz na kahit mabingit sa kamatayan, handa ako para magawa ko ang aking trabaho.

“Happy ako na napasali rito sa ‘Contessa’ at nagpapasalamat ako sa director namin na si

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …