TUMIRIK sa runway ng Zamboanga International Airport ang isang eroplanong kalalapag pa lang, nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa ulat, tumigil ang flight 5J-849 ng Cebu Pacific dahil sa “steering fault” dakong 6:30 ng umaga, ayon kay Charo Logarta-Lagamon, corporate communications director ng airline.
Ligtas aniya ang 180 pasahero ng eroplano, ngunit tumagal nang dalawang oras bago naialis sa runway.
Pansamantalang isinara ang runway dahil sa aberya, ngunit binuksan din nang maialis ang nakaharang na eroplano.
Gayonman, made-delay ang mga sumusunod na Cebu Pacific flights, ayon sa abiso ng kompanya: 5J 839 Zamboanga-Tawi Tawi; 5J 394 Zamboanga-Davao; 5J 852 Zamboanga-Manila; 5J 840 Tawi Tawi-Zamboanga; 5J 860 Manila-Zamboanga; 5J 850 Zamboanga-Manila.