LIBO-LIBO pala ang nag-aaplay sa pa-audition ng Kapamilya sa Pinoy Big Brother na ginanap sa Araneta Coliseum.
Kuwento ng kababayan naming nagdala ng anak niyang sumali roon, napakarami ang nakapila kahit madaling araw pa lamang. Ang iba halos himatayin na sa paghihintay dahil hindi nagdala ng pagkaing mababaon.
Bawal kasi ang magdala dahil kailangan doon bumili sa loob ng Big Dome.
Sana naman ang mapili sa mga nag-audition ay ‘yung mga karapat-dapat at talagang may karapatan at huwag ‘yung mga kamag-anak ng may patimpalak.
Talagang marami ang nangangarap na sumikat kaya sana pagbigyan sila at huwag gamitin ang lakas.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales