Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P.7-M shabu kompiskado, 2 arestado (Sa Quezon City)

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang P762,000 halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang drug pusher, kabilang 25-anyos babae, sa buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NDP director, C/Supt. Amado Clifton Empiso ang arestadong mga suspek na sina Saimah Solaiman, 25, residente sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila, at Jesmar Ahadin, 25, nakatira sa Culiat, Tandang Sora, Quezon City.

Batay sa ulat ni PO2 Jerome Pascual, dakong 8:30 pm nang ikasa ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Arnold Alabastro, ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa parking lot ng KFC branch sa panulukan ng Congressional at Mindanao avenues, Quezon City.

Nang iabot ng mga suspek ang plastic sachet ng shabu, na tinatayang P5,000 ang halaga, sa poseur-buyer ay agad silang inaresto ng mga awtoridad

Pagkaraan, narekober ng mga operatiba mula sa mga suspek ang isang malaking plastic sachet at dalawang medium size plastic sachet, naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang P762,000 ang street market value, mula sa loob ng Suzuki Swift (TYO-801).

(ROMMEL SALES)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …