Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eric ibinisto si Paolo: Ayaw niyang nasasapawan siya

BALIK-Regal si Eric Quizon sa pamamagitan ng My 2 Mommies na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff. Ang Regal ang naglunsad kay Eric bilang actor noong dekada ’80.

Sabi nga niya, ”Once a Regal Baby, always a Regal Baby.”

First time maididirehe ni Eric si Paolo at hindi niya itinago ang paghanga rito.

“I must say I’m very impressed, he’s good, very witty, very smart,” paglalarawan ni Eric.”He’s the type only a few people would do, na iba-iba ang sasabihin niya sa bawat take ng same scene.  Bihira lang ‘yung ganyan na artista.”

Hanga rin si Eric likas na talino ni Paolo sa comedy.

“You can tell talaga na pang-comedy siya kasi mahilig siyang mag-adlib. Hindi siya papayag na masasapawan siya.”

Ang galing ni Paolo sa pagkokomedya, ani Eric, ay nahasa sa araw-araw na stint nito sa Eat Bulaga.

“Nahahasa ka ‘pag nagtatrabaho sa TV.

“You get trained to be more prepared.” 

Sa kabilang banda, may reservations naman ang actor/director sa pakikipagtrabaho kay Solenn.

“Noong una ang impression ko, ang tingin ko sa kanya nakaiilang, maybe because of her features, and maybe because she is French.”

Pero nang makilala na ni Direk Eric si Solenn, nalaman niyang propesyonal itong katrabaho. ”She’s no diva whatsoever. Magaan katrabaho. ‘Pag sinabi mong ganito, gagawin niya. ‘Pag sinabi mong tumambling siya, ta-tumbling siya talaga.”

Ang My 2 Mommies ay isang touching story ukol sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng isang ina. Isang heartwarming story ukol sa matagumpay na gay guy, si Manu (Paolo), isang kloseta. Isang araw dumating ang kaibigang si Monique (Solenn), at sinabing may anak sila  si Marcus Cabais.

Ito’y Mother’s Day offering ng Regal na mapapanood na sa Mayo 9. Kasama rin dito sina Maricel Soriano, Joem Bascon, Diane Medina, at Mich Ligayu.

Sa kabilang banda, nag-viral naman ang trailer ng My 2 Mommies na  naka-4-M views na noong April 20.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …