Saturday , November 16 2024

CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)

SINAMPAHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ng kasong administratibo ang isang Manila barangay chairperson dahil sa talamak na road obstructions sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang barangay chairperson na si Ligaya Santos y Villaruel, 77-anyos, na sinabing notoryus sa pagmamantina ng illegal terminal at illegal vendors na malaking abala sa maluwag na pagdaloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Sinabi ng MMDA sa kanilang reklamo, si Santos ay  hindi nakikipagtulungan sa kampanya ng gobyerno laban sa illegally-parked vehicles at iba pang road obstructions.

Inihain laban kay Santos ang reklamong neglect o dereliction of duty sa Department of Interior and Local Government (DILG). Siya ay kasalukuyang punong barangay ng  Barangay 659-A, Zone-71, District V ng Maynila.

Isinampa ni MMDA acting general manager Jose Arturo Garcia, Jr., sa tanggapan ni DILG Undersecretary Martin Diño ang kaso laban kay Santos bunsod ng pagkabigong panatilihin ang kaayusan sa erya ng Lawton malapit sa Philippine Postal Office.

Nitong nakaraang taon, naglunsad ng operasyon para linisin ang illegal transport terminal at road obstructions ang MMDA ngunit pinabayaan umano ni Santos na magsibalikan sa nasabing lugar ang illegal vendors at mga sasakyan na pumaparada nang ilegal gaya ng bus, UV Express at sinabing mga kolorum na van.

“It was determined that Barangay 659-A Zone 71 had not complied with their obligation under the turn-over agreement. It was found out that obstructions were still existing or have returned at the said roads and roads-right-of-way without the barangay having prevented the same,” pahayag ni Garcia sa kanyang complaint-affidavit.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *