Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Belladonnas, sasabak na sa pelikula

MARAMI mang nagsusulputang girl group, malaki ang tiwala sa isa’t isa ng Belladonnas na sisikat at makikilala sila.

Kaya naman kitang-kita kina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie, at Stiff ang confidence nang sumayaw at kumanta nang ipakilala sila noong Miyerkoles ng gabi.

Malaki rin ang tiwala ng 3:16 Events & Talent Management sa Belladonnas kaya ipinakilala na sila sa entertainment press. Bago kasi ang media launch ay sumailalim muna sila sa matitinding singing at dancing workshops. Sumabak din sila sa acting workshops bilang paghahanda sa  kanilang future projects sa commercials, TV, at pelikula.

Napag-alaman naming sumabak na rin pala sila sa mall shows, corporate shows, at school tours. Naging special guest din sila sa concert ng Clique 5 sa Music Museum noong Pebrero.

Pagbabalita ni Len Carillo, head ng 3:16 Events and Talent Management, “Nag-training ang Belladonnas for almost a year, dire-diretso ‘yon at talagang tinututukan ko sila. Very cooperative sila, walang attitude problem at talaga namang magagaling kaya masarap tulungan.”

Idinagdag pa ni Len na pinaghahandaan na rin ng pito ang paggawa ng pelikula na posibleng makasabay sa paglulunsad ng kanilang debut album na ilalabas din ngayong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …