NAG-IISIP lang kami, baka mali ang timing niyang gagawing teleserye ni Barbie Forteza. May magandang record na naman siya sa ratings ng teleserye, pero katatapos lang kasi ng isang pelikula niyang mukhang minalas sa takilya. Ang makakasama pa niya sa teleserye ay si Derrick Monasterio na naman na siya niyang partner doon sa bumagsak niyang pelikula.
Dapat magpalipas muna sila ng ilang panahon bago simulan ang seryeng iyan. Kasi hindi mo maiiwasang sabihin ng iba na galing ang love team nila sa isang flop na pelikula. Iyon namang third wheel sa kanilang serye, si Juancho Trivinio ay wala pa ring pruweba. Pinag-usapan lang iyan dahil nabalitang “madalas makasama” si Maine Mendoza.
Isip-isip din muna dapat kung may time.
HATAWAN
ni Ed de Leon