Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruru Madrid, Coco Martin ng GMA

MAGKATAPAT sa time slot ang Sherlock Jr. at ang Ang Probinsyano, kaya si Ruru Madrid ba ang Coco Martin ng GMA?

“Sa akin naman po, well iyon nga, bata pa lang kasi talaga ako pangarap ko na ‘yung pagiging action star.”

Ang mga paboritong action star ni Ruru ay sina Robin PadillaBong Revilla, Jr., Phillip Salvador, Lito Lapid, at siyempre, ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe. Jr..

“Actually, halos lahat naman po talaga sila, naging idolo ko.”

Bumibili pa si Ruru ng CD ng mga pelikula ng mga nabanggit na action Superstars, lalo na ng yumaong si FPJ.

Ano ang pakiramdam na ang katapat ng show niya ay serye na originally ay pelikula ng idolo niyang si FPJ?

“Well, kumbaga siyempre po iba pa rin… actually mabigyan lang ako ng proyekto na aksiyon, talagang ibang klaseng pakiramdam na po iyon.

“At saka ipagkatiwala po sa amin itong ‘Sherlock Jr.,’ talagang nakatataba po ng puso.”  

Na sa sobrang tiwala sa kanya ng GMA ay itinapat nga siya kay Coco.

“Nakatutuwa po talaga! Masaya, masaya po talaga, na after ‘Encantadia’, roon po kasi nagsimula ‘yung puro action, eh. After ‘Encantadia’ nasundan po agad ng ‘Alyas Robin Hood’, then ito pong ‘Sherlock Jr.’

“Dati  po kasi  lagi ko lang sinasabi sa interbyu na pangarap kong maging action star, everytime na tinatanong ako, ‘Anong gusto mong  show?’ ‘Gusto ko po, action!’

“Ngayon po natutupad na po lahat ‘yun, so sobrang nakatutuwa po talaga.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …