Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-alis ng mga co-host ni Willie (ng sabay-sabay), nakapagtataka

MINSAN na naming tinalakay dito ang nakapagtatakang exodus o pag-alis nang halos sabay-sabay ng mga co-host ni Willie Revillame sa Wowowin.

Nauunawaan namin noong una ang kaso ni Super Tekla who was the first to go. Balita kasing lagi itong late kung mag-report sa studio. Knowing Willie, kahit valid pa ang rason ng pagiging huli ng kanyang mga katrabaho, kawalan pa rin ‘yon ng sense of professionalism para sa kanya.

Ang huling naglahad ng kanyang saloobin sa pagkakatanggal niya sa nasabing show ay si Donita Nose. Siya ang sparring partner ni Super Tekla.

Halos sabay na tinanggal si Donita along with former Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella Arida, na naugnay pa nga kay Willie (pero pareho nilang itinanggi).

Kuwento ni Donita, magre-reformat kasi ang show, hence ang pagtanggap niya ng walking papers. Hindi na inalam pa ni Donita kung bukod doon ay mayroon pang mas katanggap-tanggap na dahilan ng pagkakatsugi sa kanya.

Hindi rin tinanong ni Donita si Willie. Aniya, ganoon ang ugali ng main host pagdating sa pagdedesisyon. Para rin naman ‘yon sa higit na ikagaganda ng programa.

Sorry, pero may “gray area” sa kuwento ni Donita. Kung magre-reformat din lang, bakit wala namang nakikitang nabago sa show?

Let’s face it, iba pa rin ang presence ng mga beki host sa anumang show. Although ang mga co-host ngayon ni Willie can deliver the goods, wala naman kaming nakitang palso o diperensiya sa hosting o pagpapatawa ni Donita who registers beautifully pa nga on screen.

Siguro nga’y tama ang sapantaha ng marami. Makapagkawanggawa si Willie sa mga kababayan natin, pero may itinatagong ‘di kaaya-ayang ugali sa kanyang mga katrabaho.

Ooops, parang may kilala rin kaming ganyan!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …