Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Herras speaks up about his viral video scandal

PUZZLED pa rin daw si Mark Herras kung bakit muling nag-circulate ang kanyang video scandal na kumalat some 12 years ago.

Hindi raw niya maisip kung ano ang motibo ng nag-upload nito sa internet but he is quick to admit that the issue, in as far as he’s concerned, has long been forgotten.

What he is worried about is her girlfriend Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

“Siguro, just respect Wyn na lang, kumbaga huwag na lang idamay si Wyn sa issue,” he said in earnest.

“Maraming nagta-tag sa kanya, e. Si Wyn ‘yung pinakanaiirita, naapektohan.

“Siguro, huwag na lang nila kumbaga… I’m sure hindi nila ako ni-respect noong inilabas nila ‘yung video, so sana si Wyn, huwag na nilang idamay.”

The video scandal has reached her girlfriend who is now in Las Vegas, Nevada.

What was her initial reaction?

“Wala,” averred Mark. “Siyempre naapektohan siya.

“So, sinasabi ko na lang na parang huwag siya mag-alala, I will do everything para hindi siya madamay.

“Matagal na (‘yan), it’s an old issue, e.”

Kung plano lang nilang sirain ang magandang samahan nila ni Winwyn, nagkakamali raw sila.

“Buti kung parang nanliligaw pa lang ako,” he surmised. “E, two years na kami.

“I don’t think ‘yan ‘yung motive, nonsense na pag-iisip na ‘yan.

“And I will never… parang entertain naman the issue, kasi parang nonsense rin naman.

“That was twelve years ago pa.”

Nakausap ng press si Mark sa media conference ng bagong primetime series ng GMA-7, ang The Cure na mapanonood starting April 30.

Ang The Cure ay tumatalakay sa isang experimental drug na kayang pagalingin ang cancer, ngunit nagkaroon ng masamang side effects sa naturukan nito.

Nasa lead role sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Kabilang din sa stellar cast sina Jaclyn Jose, Ken Chan, LJ Reyes, Jay Manalo, Irma Adlawan, Glenda Garcia, Arra San Agustin, Diva Montelaba, at si Mark bilang si Darius.

Kontrabida ang role rito ni Mark.

Mapapanood ito sa GMA Telebabad starting April 30.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …