Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den

ARESTADO ang isang mag-ama, at anim iba pang hinihinalang drug user makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong 9:25 pm nang salakayin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Jowi-louie Bilaro, kasama ang Philippine Air Force 300th Air Intelligence Security Wing, Special Mission Group, PDEA-Camanava at Police Community Precinct 3, ang hinihinalang drug den sa 99 Valenzuela St., Brgy. Marulas, na umano’y pinatatakbo ng mag-amang sina Rafael Camua, Sr., at Rafael, Jr., sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Maria Nena Santos.

Hindi nakaporma ang mag-ama nang arestohin ng mga awtoridad, gayondin ang hinihinalang mga drug user na sina Ruby Cruz, Ralph Jerome Camuan, Jarvis Campbell Go, Joseph Cabundol, Jr., Jack Daniel Henson at Romerico Camuan na naaktohan habang bumabatak ng shabu. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 41 sachet ng shabu, drug paraphernalia, glass tube, dalawang cigarette pipe na may marijuana, isang sachet ng shabu, at P3,260 halaga ng salapi.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *