Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Investment scam group leader tiklo sa Albay

NADAKIP ang isang lalaki na sinabing lider ng isang investment scam group sa Albay, nitong Martes ng hapon.

Arestado sa bisa ng warrant of arrest si Joel Agnabo, 52, hinihinalang lider ng Agnabo investment scam sa Camarines Sur.

Ayon sa report ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, iniwan ni Agnabo ang kaniyang pamilya sa Naga City at nagpalipat-lipat ng bahay simula nang sunod-sunod na lumabas ang reklamo laban sa kaniya ng mga investor.

Ngunit paglabas ng warrant of arrest noong Nobyembre 2017, sa bayan ng Polangui, Albay na namalagi si Agnabo.

Kasama sa warrant of arrest ang asawa ni Agnabo na si Maria Cynthia, na nahaharap din sa kasong estafa, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ngayon.

Maaaring magpiyansa ng P40,000 si Agnabo sa kaso.

Bukod sa warrant of arrest para sa kasong estafa, patong-patong na kaso ng syndicated estafa ang isinampa sa kaniya at sa kaniyang pamilya ng iba pang investors.

Nasa kustodiya si Agnabo ng Naga City District Jail.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …