Friday , November 15 2024

ENDO sa uno huwag sanang mapako

MINSAN nang ibinasura mga ‘igan ang usaping ‘contractualization’ na panawagan ng mga Labor groups sa bansa na wakasan na.

Ngunit sa pagkakataong ito, bagamat wala pang final version ng ‘Executive Order’ posible namang pipirmahan ni Ka Digong ang nasabing ‘Executive Order’ kontra contractualization sa Mayo Uno, itataon sa Labor Day.

“I can only surmise that the final version of the Executive Order has not been agreed upon by both labor, management and government. It’s a tripartite document which has to be agreed upon. So possibly, they don’t have a final version yet. The President wants it as soon as possible. We all know that Labor Day is May 1. So I would think that it will come-out on or before May 1,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr.

Kung inyong matatandaan…ang matuldukan ang sistemang  ‘end of contract’ ang isa sa mga pangako ni Ka Digong sa taong bayan noong panahon ng kanyang kampanya, na inaasam-asam ngayon ng sambayanan.

“But I know that the President is rather restive about this Executive Order. He has mentioned to me personally that this is a campaign promise that he wants to deliver to the people very soon,” dagdag ni Kalihim Harry Roque.

‘Ika nga ng marami, ang pangakong ito ni Ka Digong, ang isa sa mga ikinapanalo niya. Ang tanong: mapako kaya ang pangakong ito ni Ka Digong? Sabagay, sa laki ng tiwala ng samba­yanan kay Duterte, maipagkakaloob niya ang nararapat lamang sa dakilang manggagawang Filipino. Kung hindi ngayon, kailan na naman mga ‘igan?

May awa si Ka Digong para tuldukan na ang ‘end of contract.’ Si Ka Digong na para sa inaa­ping masang Filipino, pilit na ibinabangon sa kinalugmokang  kahirapan na siyang hinihintay-hintay, hanggang sa kasalukuyan, ng manggagawang Pinoy.

 

PULIS HINULI NG KAPWA PULIS

Sa panahong ito ng sibakan ng iba pang opisyal ng gobyerno na isinasangkot sa katiwalian, aba’y isabay na rin mga ‘igan ang pagpapatalsik ng mga tiwaling pulis partikular sa Maynila. Mantakin n’yong ilang pulis-Maynila ang inaresto matapos mangikil sa isang Egyptian national dahil umano sa illegal drugs.

Sus ginoo mga ‘igan, ang matindi rito’y mga miyembro pa ang mga animal na pulis-Maynila ng intelligence unit ng Malate police station. Ito’y kinabibilangan nina pasaway SPO3 Ranny Litonjoa Dionisio, PO3 Richard Osorio Bernal, PO1 Elequiel Jeric Fernandez at PO1 Arjay Lastricia Lasap.

Aba’y kay tataas ng ranggo, katumbas ng matataas na suweldo, ‘di pa ba kayo kontento? Aba’y gahaman kayong mga animal kayong mamang pulis, dapat sa inyo’y ipatapon sa kangku­ngan o sa rehas na bakal!

Isang malaking hamon ito kay bagong Philippine National Police (PNP) chief, General Oscar Albayalde.  Kay lalakas ng loob, mukhang may pinaghuhugutan!

Kaya, Sir, Bossing, hindi dapat palagpasin ang katarantadohang ito ng mga nabanggit na pulis-Maynila. Bigyan ng leksiyon ang mga animal nang hindi tularan o pamarisan pa!

Tunay na malaking kasiraan ito sa papaganda na sanang imahe ng pulisya. Sir, hindi pa huli ang lahat, bagkus…simula pa lamang ito ng mga problemang kakaharapin mula sa pulisyang inyong pamumunuan, sampu ng mga problema ng sambayanan lalong-lalo ang problemang papara­ting sa papalapit na Barangay at SK Elections.

Tungo sa kaayusan, katahimikan at higit sa lahat kapayapaang matagal nang minimithing makamtan ng sambayanang Filipino!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *