INARESTO ang isang lalaking guro makaraan ireklamo ng pambabastos ng isang binatilyong atletang kalahok sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur, nitong Martes.
Ayon sa ulat, nakapiit sa estasyon ng pulisya sa Caoayan, Ilocos Sur ang 28-anyos na si Rodymar Lelis, isang elementary school teacher mula sa Cebu City.
Dinakip si Lelis sa venue ng dance sports competition ng Palaro makaraan ireklamo ng 14-anyos atleta.
Sa imbestigasyon ng pulisya, biglang pumasok ang suspek sa banyo saka niyakap at tinangkang halikan ang atleta.
Tinanong din umano ng guro kung ‘magkano’ ang atleta.
Agad nagsumbong ang atleta kaya nahuli sa mismong venue ang guro.
Tumangging magbigay ng pahayag ang guro, na kinasuhan nitong Miyerkoles ng acts of lasciviousness.