Friday , May 16 2025
kidlat patay Lightning dead

6 sakada patay 16 sugatan sa talim ng kidlat (Sa Sipalay City)

SIPALAY CITY, Negros Occidental – Patay ang anim na sakada, habang 16 ang sugatan, makaraan tamaan ng matalim na kidlat sa Brgy. Manlocahoc, sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon.

Sinabi ni C/Insp. Nasser Canja, hepe ng Sipalay City Police, sumilong ang mga sakadang nananagpas ng tubo sa ilalim ng truck dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nasa ilalim din ng puno ang nasabing truck.

Isinugod ang mga biktima sa city health office ngunit hindi sila nailigtas.

Ayon kay Japhet Olac, hepe ng Sipalay City Disaster Risk Reduction Management Office, may 16 iba pang nasaktan sa insidente.

Sa 16 biktima, isa ang nasa kritikal na kondisyon. Isinugod siya sa Bacolod City para malapatan ng lunas.

Habang siyam ang ginagamot sa isang ospital sa Sipalay City at lima ang nagkaroon ng bahagyang pinsala.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *