Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 kaanak ng Parojinogs timbog sa La Union

NADAKIP ang tiyahin ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, at dalawa pang kaanak sa isang checkpoint sa San Fernando, La Union, sa bisa ng arrest warrant nitong Lunes ng hapon.

Arestado si Rizalina Francisco, kasama ang asawa niyang si Manuelito Francisco, at ang kanilang anak na si June Francisco.

ARESTADO sa mga tauhan ni PNP Region 1 Director General Romulo Sapitula, sa pangunguna ni San Fernando City Police chief, Supt. John Guiagui, ang tinaguriang high value targets (HVTs) mula sa Parojinog group, na sina Manuelito Francisco, Rizalina Francisco at Jun Francisco, sa isang checkpoint sa San Fernando, La Union. Wanted umano ang tatlo sa kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives. (BRIAN GEM BILASANO)

Ayon kay Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police, si Manuelito ay lider ng Dragon Francisco Group, na isa umanong organized crime group sa Misamis Occidental.

Habang ayon kay Senior Insp. Dennis Tano, deputy chief of police, dating miyembro ng Kuratong Baleleng Group si Manuelito.

Ngunit sinabi ni C/Supt. Romulo Sapitula, director ng Police Regional Office 1, si Manuelito ay hinihinalang co-founder ng Kuratong Baleleng Group na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw, pagbebenta ng ilegal na droga at extortion.

Wanted umano ang tatlo sa kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives, ayon sa mga awtoridad.

Nasa kustodiya ng San Fernando Police Station ang mga suspek.

Kasalukuyang Ozamiz City Councilor si Rizalina, habang dating barangay chairman ng San Roque, Ozamiz City si June.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …